^

Police Metro

Bangis ni ‘Urduja’: 44 katao patay!

Pang-masa

41 pa nawawala...

MANILA, Philippines — Isang malungkot na Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon ang kinakaharap ng mga kababayang sinalanta ng bagyong ‘Urduja’ at higit pa sa mga naulila ng tinatayang nasa 44 katao na posibleng nasawi habang 41 pa ang nawawala sa naganap na landslide sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo sa lalawigan ng Biliran kamakalawa.

Ayon kay Chief Inspector Lilibeth Morillo, ng Biliran Provincial Office, tinatayang nasa limang pamilya ang naapektuhan ng pagguho ng lupa sa Barangay Lucsoon kung saan maaaring 27 katao rito ang nasawi dahil sa pagkakabaon sa gumuhong lupa habang na-rescue naman ang tatlong residente.

Kinumpirma naman ni Jun Basilio, ng Biliran Provincial Disaster and Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na may 17 katao ang nasawi at 26 iba pa ang nawawala.

Pito sa kumpirmadong nasawi ay mga residente mula sa bayan ng Naval at apat sa bayan ng Almeria.

Habang ang 15 sa kabuuang nawawala ay mga residente mula sa Brgy. Lucsoon sa bayan ng Naval kung saan tinatayang walong bahay ang nabaon sa nasabing landslide.

Ayon pa kay Morilla, maraming kalsada ang hindi madaanan dahil sa gumuhong mga tulay partikular na sa Caray-Caray bridge sa bayan ng Naval town na siyang panguna­hing tulay na nagdudugtong sa Biliran, Leyte.

Paliwanag naman ni Basilio na ang mga residente sa Brgy Lucsoon ay matatagpuan sa paanan ng bundok at pinayuhan na mag-evacuate bago mag-landfall ang bagyong Urduja.

Samantala, sa kasalukuyan umano ay walang supply ng kuryente ang buong lalawigan ng Biliran at ilan din sa mga lugar ay walang supply ng tubig na maiinom.

Bukod dito, nagkakaubusan na rin umano ng gasolina na gagamitin nila sa mga sasakyan para sa search and rescue at rehabilitation operations.Paliwanag pa ni Basilio na maaari lamang umanong posibleng daanan patungo sa kanilang lalawigan ay ang ruta ng Cebu-Naval-Biliran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with