^

Police Metro

Ginang na recruiter ng dayuhang terorista, tiklo

Ludy Bermudo - Pang-masa
Ginang na recruiter ng dayuhang terorista, tiklo

Asawa ng napaslang na terrorist leader...

MANILA, Philippines — Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang isang ginang na gumagamit ng internet at social media para ipakalat ang Islamist extremist propaganda at mag-recruit ng dayuhan na magtungo sa Pilipinas at maghasik ng terorismo.

Iniharap ni NBI Director Dante A. Gierran ang suspek na si Karen Aizha Hamidon, 36, tubong Zamboanga na ipinanganak sa Quezon City at residente ng isang condominium sa Bonifacio Global City na nadakip nitong Oktubre 11 sa pamamagitan ng search warrant nang matunton ang online activities sa social media na “Telegram” sa pagpapakalat ng Islamic extremist propaganda para sa sa pagre-recruit ng ISIS-Maute fighters.

Nabatid na si Hamidon ay asawa ni Mohammad Jaafar Maguid, alyas “Tokboy” at “Abu Sharifa” na napatay ng mga pulis noong Enero 2017 sa Sarangani at dating lider ng Ansar Khalifa Philippines (AKP) ang grupong responsable sa September 2016 Davao City night market bombing sa tulong ng Maute Group at ang bigong pambobomba sa US Embassy sa Roxas Boulevard sa Maynila noong Disyembre 2016.  

Maliban dito, dati ring asawa si Hamidon ng Singaporean national na si Muhammad Shamin Mohammed Sidek na naaresto dahil sa kaugnayan sa ISIS.

Natukoy din si Hamidon na kasamahan ng isang Musa Cerantonio, isang Australian Islamist preacher na nagturo sa mga foreign ISIS.

Iniimbestigahan din si Hamodin ng foreign intelligence agencies hinggil sa alegasyong nagpopondo at nagpapakalat ng Islamic propaganda.

Narekober mula kay Hamidon ang cellphones, laptops, tablets at iba pang electronic devices kung saan nadiskubre pa ang karagdagang ebidensiya partikular ang 296 posts  na nanghihikayat para lumaban sa Marawi.

Ang suspek ay kinasuhan ng 14 bilang ng paglabag sa Article 318 (Inciting a Rebellion or Insurrection) ng Revised Penal Code, (as amended), kaugnay sa Section 6 ng R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) at kasong rebelyon dahil sa kanyang mga post na nanghihikayat na labanan ang gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with