^

Police Metro

Ex-mayor arestado sa droga at armas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga otoridad ang isang dating alkalde na ngayon ay konsehal nang makumpiskahan ng droga at mga armas sa isinagawang search warrant sa kanyang bahay sa Medellin, Cebu kahapon ng umaga.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Councilor Ricky Ramirez, dating alkalde sa nasabing bayan at umano’y isang high value target ng mga otoridad.

Batay sa ulat, bago nasakote ang suspek dakong alas-6:30 ng umaga ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad hinggil sa illegal na aktibidades ng una.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Jacinto Fajardo ng Branch 66 ng Regional Trial Court sa Talisay City ay sinalakay ang bahay ng dating alkalde at hindi na nakapalag nang arestuhin nang masamsam ang isang cal. 45 pistol, isang cal. 9 MM, isang cal.22 rifle, droga at mga drug paraphernalias.-

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with