^

Police Metro

P5-M shabu nasamsam sa pinagkutaan ng Maute

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang nasa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P 5 milyon ang nasamsam ng tropa ng gobyerno sa isang gusali na inokupa ng Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa battle zone sa Marawi City.

Sa ulat ni Joint Task Force (JTF)  Marawi Commander Brig. Gen. Joselito Rolando Bautista, nasamsam ng mga elemento ng Army’s Scout Ranger ang isang kilo ng shabu sa patuloy na clearing operation sa war-torn Islamic City.

Magugunita na noong nakalipas na buwan ng Hunyo ay aabot sa 11 kilo ng shabu ang narekober ng tropa ng pamahalaan sa clearing operations sa isa sa mga bahay na inokupa ng mga terorista.

Bukod dito ay nasa P52.2 milyon cash ang nakum­piska at nasa P25 milyon tseke na kinulimbat ng Maute-ISIS terrorists na umokupa sa lungsod.

Una nang ibinulgar ng mga opisyal ng militar na naka-droga ang mga teroristang kanilang nakalaban kung saan ay nasangkot ang mga ito sa pamumugot ng ulo ng mga hostages.

Sinabi naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., na posibleng ang nakumpiskang shabu ay ginagamit ng mga terorista  na nakabakbakan ng tropang gobyerno sa lungsod upang laging gising kahit sa kalagitnaan ng gabi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with