^

Police Metro

Camsur mayor tinanggal sa puwesto ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinanggal sa puwesto ng Office of the Ombudsman si Baao, Camarines Sur Mayor Melquiades Gaite na napatunayang guilty sa  grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Batay sa record noong  May 2014, si Gaite ay nagkaroon ng 25-year lease contract sa  Lamvert Consolidated Complex Development Corporation para sa bahagi ng Baao Public Market building na may lawak na  1,704 square meters.

Hindi napatunayan ni   Gaite ang mga ebidensiya na ang  lease deal ay naaprubahan at na otorisahan ng Sangguniang Panlalawigan.   

Bigo rin umano si   Gaite na maipatupad ang probis­yon ng “goodwill money” para sa  lease deal.

Sa ilalim ng  contractual provision, ang “goodwill money” ay P25,000.00 para sa unang  10 square meters at P1,000.00 para sa  succee­ding square meter ng rented space, o P1,719,000.00  ang dapat na bayaran ng  applicant-lessee. 

Sa kabuuang nabanggit na halaga, ang  70 percent nito ay ilalagay bilang trust fund para gastusin lamang sa  development ng palengke at ang 30 percent ng halaga ay bilang  lessee’s deposit.  

Inatasan na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang DILG na ipatupad ang dismissal order laban kay Gaite.

Kung natanggal na sa serbisyo si Gaite bago pa ang utos na ito ng Ombudsman siya ay pagbabayarin ng multa na kasinghalaga ng kanyang sahod sa isang taon.

vuukle comment

MELQUIADES GAITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with