^

Police Metro

Batangas, Mindoro, MM, iba pang lugar sa Luzon nilindol

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Niyanig ng magkakasunod na lindol na umabot ng hanggang intensity 7 ang Luzon partikular na ang Batangas, Mindoro, Metro Manila at iba pang bahagi ng Southern Luzon nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council ( NDRRMC) Spokesperson Mina Marasigan, patuloy ang kanilang assessment  sa naging pinsala ng lindol. Binabalot naman ng matinding pangamba ang mga residente sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

Sa report ng United States Geological Survey, nasa 5.9 magnitude na lindol ang naramdaman sa ilang bayan ng Oriental Mindoro.

Ang sentro ng lindol ayon sa Phivolcs ay nasa may 001 kilometro ng timog kanluran ng Mabini, Batangas at ang lalim ng lupa ng lindol ay nasa 027 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng naturang paglindol. Bunga nito, naramdaman ang paglindol sa lakas na intensity 7 sa Mabini, Batangas, Intensity 6 sa Calatagan, Nasugbu at Tingloy, Batangas.

Intensity 5 naman ang naramdaman sa Batangas City, Sto. Tomas at Lemery Batangas; Tagaytay City at Intensity 4 sa Dasmariñas City, Cavite: Lucena City at Pateros City. Intensity 3 naman sa - Makati City; Pasay City; Quezon City; Muntinlupa City; Malabon City; Mandaluyong City; Bacoor, Cavite at Intensity 2 sa - Daet, Camarines Sur.

Bunga ng insidente ay nagsilikas ang mga residente na naninirahan sa tabing dagat sa bayan ng Mabini bunga ng matinding pangamba. Samantalang gumuho naman ang isang bahay dito at maging ang isang pader. Sinabi ni Batangas Governor Hermilando Mandanas, walang kuryente sa Batangas City, nabasag ang mga salamin at nabitak rin ang mga pader ng ilang mga gusali sa kanilang lugar.

Ayon kay Mandanas, nangangamba pa rin  ang mga  residente sa kanilang lalawigan bunga ng magnitude 5.5 na lindol na una ng naranasan sa lalawigan noong Martes.

vuukle comment

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with