^

Police Metro

Mag-asawang isis nasakote sa Taguig

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang mag-asawang teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang naaresto nang pinagsanib na elemento ng pulisya, militar at Bureau of Immigration (BI) sa isinagawang operasyon sa Bonifacio Global City,Taguig City.

Ang mga nasakote ay kinilalang sina Hussein Azo Aldgafiri alyas Husayn Al –Dhafiri, Warsh Al-Kuwaiti, Abu Muslim Al-Kuwaiti; isang Kuwaiti national at misis nitong si Raja Zina, alyas Rahaf Zina, isang Syrian.

Ayon sa military sources, ang mag-asawang ISIS terrorists ay nabitag ng security forces sa 28th Street, Bonifacio Global City sa Taguig noon pang Marso 25 agad itong isinapubliko dahilan isinailalim pa ng mga otoridad bandang alas-9:45 ng gabi.

Gayunman sa masusing interogasyon upang alamin ang kanilang pakay sa Pilipinas at upang alamin kung may mga kasamahan ang mga ito sa grupo.

Una nang sinabi nina PNP Chief P/Director General Ronald dela Rosa na may namonitor na presensya ng Maute terror group sa Metro Manila. Ang Maute terror group ay sinasabing may alyansa sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Sinabi naman ni NCRPO Chief P/Director Oscar Albayalde na  posibleng nakapagtayo na ng terror cell sa Metro Manila at Tanza, Cavite ang teroristang grupo.

Nabatid na si Hussein ay isang kilalang lider ng ISIL (Islamic State of Iraq and the Levant), middle level na lider  at kapatid ng dating No. 3 pinuno ng ISIL na napatay sa opensiba sa kanilang bansa. Habang si Rahaj ay tinatayang 4-5 buwang buntis  at ang  ama nito ay kaibigan ni Hussein.

 

vuukle comment

STATE OF IRAQ AND SYRIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with