^

Police Metro

Ex ‘sex bomb’ dancer nagpasaklolo sa SC

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpasaklolo na kahapon sa Korte Suprema ang isang  dating miyembro ng  ‘all girls dance group’ o mas kilala bilang ‘sex bomb’  upang mapigilan ang kasong inihain ng kaniyang mister sa mga korte sa  Quezon City.

Sa tulong ng grupong Gabriela, hiniling sa Korte Suprema ni Sugar Mercado at mga magulang na sina Reylando at Yolanda Mercado na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang Mataas na Hukuman kaugnay sa mga kasong isinampa laban kay Sugar ng asawang si Kristofer Jay Go sa iba’t-ibang korte sa Quezon City.

Sa Inihaing Petition for certiorari with prayer for TRO, nais ni Sugar na pigilan ang QC courts na dinggin ang mga isinampang reklamo ni Go. Ayon sa Gabriela, malinaw na harassment ang ginagawa ni Go sa paghahain ng mga kasong child abuse, libel at physical injuries.

Nabatid na nag-ugat ang problema ni Mercado sa agawan sa kostudiya sa kanilang anak.

vuukle comment

KORTE SUPREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with