^

Police Metro

Mag-utol dedbol sa shootout

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ang isang magkapatid na lalaki nang makipagbarilan umano sa mga tauhan ng Caloocan City Police na sumalakay sa isang drug den kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina  Jessie at Jojie Arceo, kapwa nasa hustong gulang habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan.

Bago ito nangyari, dakong alas-11:30 ng gabi ay sinalakay ng mga tauhan ng Caloocan Police-North Extension Unit ang isang drug den sa may Sampaguita Street, Green Valley, Phase 6 Brgy. 178 Camarin, makaraang makatanggap ng ulat partikular ng isang video footage buhat sa isang cellular phone sa isang asset sa nagaganap na pot session.

Nahirapan ang mga pulis na hanapin ang drug den na tagung-tago at mapupuntahan lamang gamit ang makikipot na eskinita.

Pagdating ng mga pulis ay pinutukan umano sila ng mga suspek, subalit walang tinamaan kaya’t gumanti ng putok ang mga una na nagresulta sa pagkakapaslang sa magkapatid.

Ayon sa mga opis­yal ng barangay, posibleng dayo lamang sa kanilang lugar at nakikigamit ng iligal na droga ang mga nasawi dahil sa hindi nila kilala ang mga ito at wala ring kaanak sa lugar. 

 

vuukle comment

CALOOCAN CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with