4 LP solons tumalon sa PDP-Laban
Gemma Garcia (Pang-masa) - June 3, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tumalon na nang tuluyan ang iba pang Liberal Party (LP) Congressmen sa Coalition for Change ng Duterte administration.

Ang mga bagong batch ng kilalang LP solons na pumirma sa membership form ng PDP-Laban ay sina Reps. Rey Umali (Oriental Mindoro), Lucy Torres-Gomez (Ormoc City), Gerry Treñas (Ilo-Ilo), at Cesar Sarmiento (Catanduanes).

Nanumpa ang mga ito sa harap ni prospective 17th Congress House Speaker Panta­leon Alvarez.

Nandoon din sa pagtitipon na ipinakilala ni Alvarez na kanyang  bagong House Majority Leader na si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.

Ayon naman kay Umali, nagpasya silang mga taga-LP na suportahan ang mga adbokasiya at legislative measures na isusulong ng Duterte administration sa Kongreso.

Idinagdag pa ni U­mali, na political reality na ang lipatan ng partido tuwing may bagong administrasyon, kaya huwag na raw ikagulat o kondenahin ang hakbang ng mga taga-Liberal.

OPLAN GALUGAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with