^

Police Metro

Oplan-Baklas ikinasa ng MMDA

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mag-uumpisang magbaklas ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga iligal na “campaign materials” na nakakabit sa mga ipinagbabawal na lugar sa pagsisimula ng opisyal na campaign period bukas (Pebrero 9).

Sinabi ni MMDA Chairman, Emerson Carlos na nasa 100 tauhan sa ilalim ng “Oplan-Baklas” ang mag-uumpisa ng o­perasyon sa pagkukutkot sa mga nakadikit na mga posters at stickers, pagtatanggal sa mga tarpaulins na nakakabit sa mga lugar na hindi kasama sa common poster areas na idideklara ng Commission on Elections.

Ayon naman kay Rod Tuason, pinuno ng Oplan Baklas, nangako na si Comelec Chairman Andres Bautista na sasamahan sila sa kanilang mga operasyon sa pagbabaklas upang maging lehitimo ang mga operasyon habang ikinukunsidera rin ang pagsasama ng mga tauhan ng pulisya na mainit ang mga kandidato sa halalan.

Karamihan sa mga tarpaulins ng mga politiko na mistulang bumabati lamang kahit hindi pa nag-uumpisa ang opisyal na kampanya ay nakakabit sa mga poste, punungkahoy, at maging sa mga kawad ng kuryente na nagdudulot ng panganib lalo na kung mapatid ang kable ng kuryente na maaaring pag-umpisahan ng sunog.

Nasa 12 grupo ng Oplan Baklas ang mag-iikot sa Metro Manila araw-araw upang magtanggal ng campaign materials sa mga hindi otorisadong lugar habang gagamit rin ng mga “heavy equipments” para sa operasyon. 

Maaari namang tumawag ang publiko sa Metrobase 136 ng MMDA upang magsumbong sa mga campaign materials na iligal na ikinabit sa kanilang lugar.

Hindi naman maaaring baklasin ng mga tauhan ng MMDA ang mga campaign materials na naka­kabit sa mga bahay dahil sa ikinukunsidera na pribado ang mga ito maliban na lamang kung may pahintulot ng may-ari.

Nilinaw naman ni Carlos na hindi sila maaaring manghuli ng mga tauhan ng mga kandidato na maaaktuhan nilang nagkakabit sa hindi common poster area maliban na lamang kung may kasamang tauhan ng Comelec o pulisya na magsasampa ng kaso laban sa mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with