3 holdaper sa bus nasakote
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nasakote ang tatlong holdaper nang bumaba ang mga ito matapos na holdapin ang mga pasahero ng bus kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Alexander Prim Cruz, 35; Vince Mardy Castro, 20, kapwa naninirahan sa Lotus St.,  C-4, Barangay Longos, Malabon City at Agustin Jamil,45, ng #78 Sangandaan,  PNP Compound, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng Pasay City Police, bago naganap ang panghoholdap dakong alas-2:00 ng madaling araw sa  Roxas Boulevard, tapat ng H.K. Sun Plaza ay bumabagtas ang Commuters Bus Lines (AAI-2268)  may biyaheng EDSA-Baclaran nang magdeklara ng holdap ang tatlong suspek na nagpanggap na mga pasahero.

Nagkataon na nagpapatrulya sa naturang lugar ang mga kagawad ng Pasay City Police at namataan nila ang bus na may nangyayaring komosyon.

Hindi nagpahalata  ang mga pulis at nang bumaba ang mga suspek ay dito na sila inaresto at hindi na pumalag pa.

AGUSTIN JAMIL ALEXANDER PRIM CRUZ ANG BARANGAY LONGOS CALOOCAN CITY COMMUTERS BUS LINES LOTUS ST. MALABON CITY MGA PASAY CITY PASAY CITY POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with