_pang-masa
^

3 mag-utol na paslit nalunod

Joy Cantos (Pang-masa) - February 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong paslit na magkakapatid makaraang malunod ang mga ito nang tangayin ng malakas na alon habang lumalangoy sa  karagatan ng Babatngon, Leyte.

Kinilala ang mga magkakapatid na sina Ronalyn,10; Rayben Carl, 9 at Divine Aure, 8 na ang bangkay ay magkakasunod na narekober nitong kamakalawa at kahapon ng  umaga.

Sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon ay lumalangoy sa karagatan ng Brgy. Taguite  ang magkakapatid na paslit nang tangayin ng malakas na agos.

Nagsagawa ng search and rescue operations ang mga otoridad at narekober nitong linggo ng hapon ang bangkay ni Rayben  at kinabukasan ng alas-7:50 ng umaga ay ang bangkay nina Ronalyn at Divine Grace.

ANG BABATNGON BRGY DIVINE AURE DIVINE GRACE KINILALA LEYTE NAGSAGAWA NASAWI RAYBEN CARL RONALYN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with