2 lalaki nagbigti
Lordeth Bonilla at Joy Cantos (Pang-masa) - January 23, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dahil sa hindi maka­yanang depresyon sa buhay ay nagawa ng dalawang lalaki na magbigti sa magkahiwalay na pangyayari kamakalawa sa Pasay City at Lipa City, Batangas.

Sa Pasay City ay hindi na umabot ng buhay sa ospital ang kusinerong si Rodney Abinir, 24. matapos magbigti sa loob ng VIP room ng pinapasukan nitong bar and restaurant na matatagpuan Castillo Building, kanto ng Tramo at EDSA.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-8:00 ng gabi  at pagsapit ng alas-10:00 ng gabi ay nagtungo  ito sa ikalawang palapag upang matulog na.

Bandang alas-11:30 ng gabi ay umakyat ang kasama nitong si Cha­rish Ubar sa VIP room at nakita ang biktima na nakabigti.

Dahilan sa pandidiri ng mga tao sa kaniyang paligid bunga ng grabeng sakit sa balat ay nagbigti ang 24-anyos na si Jose Lanete Jr., tubong Pinamalayan, Oriental Mindoro at pansamantalang naninirahan sa sa Brgy Lodlod, Lipa City, Batangas.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang magpatiwakal ang biktima sa loob ng silid nito sa kanilang bahay na nadiskubre  ng kapatid nitong si Angel sa kanyang pag-uwi.

Lumilitaw sa im­bestigasyon na labis na dinamdam ng biktima ang pandidiri dito ng mga tao pati ng kaniyang mga kaibigan dahilan sa ma­tinding karamdaman sa sakit sa balat.

ACIRC ANG BATANGAS BRGY LODLOD CASTILLO BUILDING JOSE LANETE JR. LIPA CITY ORIENTAL MINDORO PASAY CITY RODNEY ABINIR SA PASAY CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with