2 pasahero na hit and run
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - January 16, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang lalaki habang malubha ang isang babae matapos na sila ay masalpok pagkababa sa pampasaherong jeep kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Ang nasawi ay nakilala sa nakuhang ID sa katawan nito na si Archie Gatacilo, nasa hustong gulang, ng Imus, Cavite.

Nilalapatan naman ng lunas sa Parañaque Medical Center ang sugatang si Maria Palma, may sapat na gulang,ng Bacoor City, Cavite.

Hindi naman naplakahan ang sasakyan na nakabangga sa mga biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga sa westbound ng Roxas Boulevard, Barangay Tambo ay magkasunod na bumaba mula sa isang pampasaherong jeep ang mga biktima sa gitna ng kalsada.

Hindi umano napansin ang mabilis na pagdating ng sasakyan kaya’t nasalpok ang mga biktima.

 

ANG ARCHIE GATACILO ATILDE BACOOR CITY BARANGAY TAMBO BATAY CAVITE MARIA PALMA MEDICAL CENTER NILALAPATAN ROXAS BOULEVARD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with