2 lalaki sinalvage sa sementeryo
Joy Cantos (Pang-masa) - January 8, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang bangkay ng dalawang lalaki sa loob ng Memorial Ceme­tery sa Lumbia District, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng alas-5:30 ng umaga.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima matapos na walang makuhang identification card mula sa mga ito na  kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa kanilang ulo.

Nabatid na ang mga bangkay ay nadiskubre ng sepul­turero ng sementeryo  na agad naman nitong inireport sa pulisya.

Walang nakitang basyo ng bala ang mga imbestigador sa lugar sa crime scene kaya nabuo ang teorya na sa ibang lugar pinatay ang mga ito at sa loob  ng sementeryo  itinapon upang ilihis ang imbestigasyon.

ACIRC ANG LUMBIA DISTRICT MEMORIAL CEME MGA NABATID PAGADIAN CITY PATULOY PINANINIWALAANG WALANG ZAMBOANGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with