^

Police Metro

Bodega ng supermarket, nilooban

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagsalakay ng mga kawatan habang papalapit ang Kapaskuhan makaraang isa na namang supermarket ang nilooban sa Caloocan City noong Sabado ng umaga.

Bandang alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ang nakawan sa Super 8 Warehouse, Inc. sa Rizal Avenue Extension, Brgy. 71 Monumento sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakapasok ang mga magnanakaw sa nakabukas na bahagi na lagayan ng air-conditioning unit sa ikalawang palapag ng gusali. Winasak ng mga magnanakaw ang doorknobs ng mga kuwarto at natangay ang hindi pa mabatid na halaga kabilang ang dalawang cal. 38 revolver ng mga security guard.

Gayon pa man, nadiskubre na hindi nabuksan ang safety vault ng kumpanya habang narekober naman ang isa sa baril na nawawala sa may exit ng gusali.

Kasalukuyan namang nirerebisa ang footage ng  closed-circuit television (CCTV) camera para makilala ang mga kawatan.

ANG

BANDANG

BRGY

CALOOCAN CITY

GAYON

KAPASKUHAN

KASALUKUYAN

MGA

MONUMENTO

PATULOY

RIZAL AVENUE EXTENSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with