US submarine dumaong sa Subic
Joy Cantos (Pang-masa) - December 9, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dumaong sa Subic Bay, Zambales ang Los Angeles Class fast-attack submarine (USS Tucson) para sa port call visit kaugnay ng Indo-Asia Pacific deployment.

Ito ang nabatid kahapon sa mensahe ng US Embassy na kinumpirma ang pagdating noong linggo ng USS Tucson sa Subic Bay.

Ang pagdating ng US submarine ay sa gitna na rin ng isinagawang pag­lipad ng US spy plane sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea kung saan inihayag ng China na magtatayo ng panibagong airfield sa nasabing lugar.

Nabatid na karamihan sa mga crew ng nasabing submarine ay unang pagkakataon pa lamang na makarating sa bansa.

Samantala, magkakaroon naman ng pagkakataon ang mga Filipino–American sailors ng submarine na mabisita ang kanilang mga pamil­ya at lupang tinubuan.

“This submarine is capable of supporting a multitude of missions, including anti-submarine warfare, anti-surface ship warfare, strike, intelligence, surveillance and reconnaissance,” ayon pa sa US Embassy.

Base sa rekord, ang USS Tucson ay nakabase sa Pearl Harbor sa Hawaii at kayang mag-operate sa karagatan saan mang panig ng buong mundo.

Ang USS Tucson ay ika-59th Los Angeles–Class fast attack submarine  at ika-20 sa mas pinakamahusay na Los Angeles attack submarines ng Amerika.

ACIRC AMERIKA ANG DUMAONG INDO-ASIA PACIFIC LOS ANGELES LOS ANGELES CLASS PEARL HARBOR SUBIC BAY SUBMARINE WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with