2 Fighter Jets ng AFP dumating
Joy Cantos (Pang-masa) - November 28, 2015 - 9:00am

CLARK AIR BASE, PAMPANGA, Philippines – Matapos ang 10 taon na paghihinaty ay dumating na sa bansa ang dalawa sa 12 fighter jets na binili ng pamahalaan para palakasin ang kapabilidad ng Philippine Air Force (PAF) sa pagbabantay sa himpapawid ng bansa.

Sa isang simpleng se­remonya sa Haribon Hangar ng Clark Air Base, pormal na sinalubong nina Defense Secretary Voltaire Gazmin, AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri, Lt. Gen. Jeffrey Delgado, iba pang mga opisyal ng militar at ng mga kinatawan ng Korean Aerospace Inc (KAI)  ang dalawang jet fighters  .

 “We’re glad, we’re finally back to supersonic age” masayang pahayag ni Gazmin.

Ayon kay PAF Spokesman Col. Enrico Canaya, malaki ang maitutulong ng squadron ng 12FA 50 Golden Eagle fighter jet na binili ng Defense department sa  KAI sa ilalim ng mo­dernization program sa halagang P18.9 bilyon.

Ang nasabing  figh­ters jets ay ide-deliver sa bansa ng ilang batch kung saan may darating pang muli sa 2016 at hanggang 2017.

Noong 2005 ay ipinatigil at pinagretiro na ng PAF ang fighter jet nitong Northrop F5’s  dahilan sa sobrang kalumaan nito.

Ayon kay Canaya, ang nasabing 2 seater fighter jets ay pinalipad ng mga pilotong Koreano  mula sa South Korea  kung saan nag-stop over lamang ito sa Taiwan para mag-refuel at magpahinga ang mga piloto bago tumuloy sa Clark Air Base.

Isasailalim muna sa masusing inspeksyong teknikal ang mga fighter jets bago ito iturnover sa PAF.

ACIRC ANG AYON CHIEF OF STAFF GEN CLARK AIR BASE DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN ENRICO CANAYA GOLDEN EAGLE HARIBON HANGAR HERNANDO IRIBERRI NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with