Guimaras-PNP provincial director, pinasisibak
Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 28, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Hiniling ng isang concerned citizens group sa lalawigan ng Guimaras kay PNP Chief Ricardo Marquez  na ipatupad ang tour of duty provisions sa mga PNP key personnel.

Ito ang inihayag ng Guimaras Concerned Citizens Group (GCCG) sa pangunguna ni Atty. Humabon Felixberto tungkol sa  kaso ni  Sr. Supt. Ricardo dela Paz, Guimaras Provincial Director na nananatili pa sa posisyon gayung ito ay dalawang taon na sa puwesto.

Anya, si Dela Paz ay naupo sa puwesto  sa naturang lalawigan noong Hulyo 1, 2013 sa kautusan noon ni PNP Chief Alan Purisima.

Kaya dapat noong  Hulyo 1, 2015 ay dapat lahat ng  PNP key personnel na nakumpleto ang dalawang taong tour of duty ay kailangang maitalaga sa ibang lugar.

Ayon pa kay Felixberto na ang patuloy na pa­nanatili ni Dela Paz kahit tapos na ang tour of duty ay posibleng magamit ng mga pulitiko sa 2016 election.

ACIRC ANYA AYON CHIEF ALAN PURISIMA CHIEF RICARDO MARQUEZ DELA PAZ GUIMARAS CONCERNED CITIZENS GROUP GUIMARAS PROVINCIAL DIRECTOR HULYO HUMABON FELIXBERTO SR. SUPT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with