22 tatakbong pangulo
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - October 12, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Sa kasalukuyang bilang at unang araw nang paghahain ng certificate of candidacy kahapon ay uma­bot sa 22 kandidato ang tatakbo sa pagkapangulo.

Kabilang  sa naghain ng  COC sa pagkapa­ngulo ay sina Vice President Jejomar Binay; Augusto Syjuco Jr.; Elly Pamatong; Ephraim Defiño; David Ali­morong; Ralph Masloff; Camilo Sabio; Freddiesher Llamas; Danilo Lihaylihay; A­dolfo Inductivo; Sel Hope Kang; Ferdinand Jose Pijao; Ramon Concepcion; Ferdinand Fortes; Eric Negapatan; Gerald Arcega; Leonardo Bulabula; Alejandro Ignacio; Arsenio Dimaya; Arturo Reyes; Esmeraldo Reyes at Rizalito David, ang naghain ng  disqualification case laban kay Senator Grace Poe.

Samantala, dalawa sa pagkabise presidente at anim na senatorial candidate ang naghain ng kanilang mga COC kahapon.

Sina  Senator Gringo Honasan at Myrna Mamon ang unang dalawang naghain ng  COC sa pag­kabise presidente.

Muli namang susu­bukin  ni  dating  senador Panfilo Lacson  na makabalik sa senado; Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na sinuportahan ng aktres na si Angel Locsin; Ricky Bacolod; Angel Ridoble; Victoriano Inte at Daniel Magtira na dati nang tumakbo sa pagkapangulo noong 2013 at nagpakilalang  asawa ng presidential sister na si Kris Aquino.

Wala pang inilalabas ang Comelec na guidelines kung paano matutukoy ang nuisance candidate kaya’t hindi mapipigilan ang sinuman na gustong maghain.

Sa buwan pa ng Dis­yembre inaasahang malilinis ang listahan ng mga pangalan ng mga kandidato.

Matapos ang filing ng COC ay isa-isang bubusisiin ng Comelec ang mga kandidato at sa ilalabas ang final list of candidates na pumasok sa requirements na itinakda ng batas.

Sa Pebrero naman mag-uumpisa ang campaign period para sa national positions.

ACIRC ALEJANDRO IGNACIO ANG ANGEL LOCSIN ANGEL RIDOBLE ARSENIO DIMAYA ARTURO REYES AUGUSTO SYJUCO JR. BAYAN MUNA REP CAMILO SABIO NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with