^

Police Metro

Guro utas sa nakamotor

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang babaeng guro matapos na ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Cheryl Bonifacio, 35, guro sa Commonwealth Elementary School.

Hindi nakilala ang dalawang suspek na pawang nakasuot ng jacket at helmet na mabilis tumakas sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga ay naglalakad ang biktima kasama ang dalawang co-teachers sa kahabaan ng Tabigo St., ng nasabing barangay mula sa paaralan nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang mga suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang una.

 Sa salaysay ng mga co-teachers hindi nila naplakahan ang  motorsiklo sa bilis nang pangyayari na pagkatapos nilang makarinig ng putok ng baril ay nakita na lamang nila ang biktima na bumagsak.

Patuloy ang im­bestigasyon ng otoridad sa tunay na motibo nang pamamaslang sa biktima.

BARANGAY COMMONWEALTH

BATAY

BIKTIMA

CHERYL BONIFACIO

COMMONWEALTH ELEMENTARY SCHOOL

MOTORSIKLO

PATULOY

QUEZON CITY

TABIGO ST.

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with