Mangingisda nasabugan ng dinamita
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - January 2, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang mangingisda ang nasa kritikal na kondisyon matapos aksidenteng masabugan ng dala nitong dinamita na gamit sa illegal na panghuhuli nito ng isda sa Zamboanga City kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Muallam Hassan, 33, Brgy. Tumitus ng nasabing lungsod.

 Sa ulat bandang alas-5:00 ng hapon sa tahanan ng biktima sa Brgy. Tumitus ng naturang siyudad ay kasalukuyang inilalagay ng biktima ang dinamita sa loob ng isang bote nang bigla na lamang itong sumambulat.

Sa lakas ng pagsabog ay nasapul ang kamay ng biktima at nagtamo rin ito ng sugat sa iba pang bahagi ng katawan.

Isinugod sa pagamutan ang biktima para malapatan ng lunas sa nasabing insidente.- Joy Cantos-

 

BIKTIMA BRGY DINAMITA ISANG ISINUGOD JOY CANTOS MUALLAM HASSAN NASABING TUMITUS ZAMBOANGA CITY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with