Warrant of arrest kay Pemberton inilabas
Joy Cantos (Pang-masa) - December 17, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inilabas na  kahapon ni Olongapo City Regional Trial Court  (RTC) Branch 74 Judge Roline Ginez Jabalde ang warrant of arrest laban kay US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton kaugnay ng kasong murder na walang piyansa laban sa Pinoy transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.

Una nang nakitaan ng korte ng ‘probable cause’ at ‘aggravating qualifying circumstances’ laban sa akusadong US Marine na itinuturong pumaslang kay Laude.

Nangangahulugan na anumang oras ay maari ng arestuhin si Pemberton kung saan ay bibigyan rin ng 10 araw ang mga otoridad upang ipaliwanag kung paano inaresto ang akusadong US Marine.

Alinsunod sa reso­lusyon ng korte ang krimen ay ikinuwalipikang murder dahilan sa banta, paggamit ng lakas at dahas sa pagpaslang sa biktimang si Laude na napagkaitang maipagtanggol ang sarili dahilan sinakal buhat sa likuran.

ALINSUNOD INILABAS JEFFREY JENNIFER JUDGE ROLINE GINEZ JABALDE MARINE PRIVATE FIRST CLASS JOSEPH SCOTT PEMBERTON NANGANGAHULUGAN OLONGAPO CITY REGIONAL TRIAL COURT PEMBERTON PINOY
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with