_pang-masa
^

Mag-utol tepok sa amok

Joy Cantos (Pang-masa) - September 16, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang magkapatid nang sila ay pagta­tagain ng kanilang kapitbahay na nag-amok sa Brgy. Togoron, Monreal, Masbate.

Ang magkapatid na nasawi ay kinilalang sina Jian Cantoria, 15-anyos Rea Cantoria, 2-anyos dahil sa mga tinamong taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang dalawa pang biktima na sina Digol Cantoria, 4-anyos; kapatid ng mga nasawi at Tom Rejano, 17-anyos.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng umaga noong Sabado sa Brgy. Togoron, Monreal ay bigla na lamang nag-amok ang suspek na si Cyrel Laurio Relauo, 31 anyos, may-asawa at isang magsasaka.

Pinasok nito ang bahay ng kapitbahay nitong si Panong Cantoria at saka  pinagtataga ang mga biktima na nandon sa mga oras na yon.

Nabatid na dumaranas umano ng ma­tinding depresyon ang suspek dahil sa pagpatay nito sa kapatid na  lalaki at  ilang araw ng kakaiba ang ikinikilos hanggang sa mag-amok.

 

BRGY CYREL LAURIO RELAUO DIGOL CANTORIA JIAN CANTORIA MONREAL PANONG CANTORIA REA CANTORIA TOGORON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with