^

Police Metro

2 lalaki dedo sa pamamaril sa QC

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang naiulat na nasawi sa pamamaril sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.

Ang unang nasawi ay kinilalang si Roberto Malubay, 35, ng Block 10, Lot 2, Bernadeth St., Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik na natagpuang duguang nakahandusay sa kahabaan ng Sampaguita St., dakong alas-11:00 ng gabi at itinakbo ito sa ospital, subalit nalagutan ng hininga dakong alas-3:45 ng madaling-araw.

Natagpuang patay kahapon ng alas-7:30 ng umaga sa loob ng isang compound sa Foresthill Drive, Foresthill Subdivision, Brgy. Gulod, Novaliches ang isang lalaki na inilarawan na ang edad ay nasa pagitan ng  25-35, may taas na 5’4”, nakasuot ng itim na jacket, at kupas na maong, may mga tattoo sa dibdib ng Isabel, Jayssie, at Fatima.

Narekober sa lugar ang apat na basyo at ng kalibre 45 baril na ginamit sa nasabing krimen.

 

vuukle comment

BERNADETH ST.

BRGY

DALAWANG

FATIMA

FORESTHILL SUBDIVISION

MALIGAYA PARK

PASONG PUTIK

QUEZON CITY

ROBERTO MALUBAY

SAMPAGUITA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with