^

Police Metro

PNP may bagong uniporme

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang hindi magaya ng mga elementong  kriminal na nag­lipana sa lipunan ay maglalabas ng bagong uniporme ang Philippine National Police (PNP) sa lalong madaling panahon.

Ito ang inihayag kahapon ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac sa bagong uniporme na nagtatagaly ng “security features” na ipapalit nila sa luma nilang General Office Attire (GOA).

Hinihintay na lamang ng PNP ang pag-aapruba ni National Police Commission (NAPOLCOM) Chairman at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas upang maisuot na ng mga opisyal at miyembro ng PNP ang kanilang mga bagong uniporme na magsisilbing ikatlong pagpapalit ng uniporme simula ng maitatag ito noong unang bahagi ng dekada 90.

Maghihigpit anya ang PNP sa regu­lasyon sa pagbebenta at produksyon ng nasabing uniporme para hindi ito magamit ng mga ele­mentong kriminal kung saan ay nilagyan din ito ng security features.

Hinggil naman sa natanggap na pamimintas ng PNP sa mga kritiko na mukhang  MMDA  at parang sa konduktor ng bus ang bago nilang uniporme.

Sa tala ang unang uniporme ng PNP ay kaki ang kulay at sumunod naman ang lumang kulay asul  na uniporme na kanila ng papalitan.

Magkakaroon din ng bagong patrol uniform ang PNP na sumasailalim pa sa konting pagsasaayos.

vuukle comment

CHIEF SUPT

GENERAL OFFICE ATTIRE

HINGGIL

NATIONAL POLICE COMMISSION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

REUBEN THEODORE SINDAC

UNIPORME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with