^

Police Metro

Anti-political dynasty, aarangkada na

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aarangkada na sa plenaryo sa muling pagbubukas ng sesyon ng kongreso ngayon araw ang kontrobersyal na panukalang anti-political dynasty bill.

Ayon kay Capiz Cong. Fredinil Castro, chairman ng Committee on Suffrage and Electoral Reform, nagkausap na sila ni House Majority Leader Neptali Gonzales at sinabihan na ito na maghanda para sa kanyang sponsorship speech kasama ang kanyang mga kasamahan sa komite kaugnay sa naturang panukalang batas na nakabinbin pa sa committe on rules sa pagbubukas ng sesyon ng kongreso.

Nilinaw ni Castro na sa consolidated version ng panukala ay sakop nito ang hanggang second civil degree by consagunity or affinity na ang ibig sabihin ay father and son, mother at children, lolo, tatay at kapatid.

Pag aaral umano ng komite kung masyadong malawak ang tatamaan at maapektuhan nito sakaling maisabatas dahil mayroon umano sa isang pamilya na hindi binanggit ng mambabatas ang pangalan na walo silang nasa panunungkulan ng gobyerno kaya nanga­ngahulugan umano ito na monopolistic ang ginagawa dahil humahawak sila ng posisyon sa pamahalaan.

Hinala ni Castro na mahigit sa 40 porsiyento ng mga pulitiko na nasa local at national politics ang tatamaan ng panukalang batas.

Sa kabila nito, wala naman umanong committment na ibinigay ang liderato ng Kamara na tatapusin ito bago mag adjourn sa Hunyo ang kongreso subalit napakahalaga na umano na maisalang at mabigyan ng pagkakataon na mapag-usapan ito sa plenaryo dahil wala na itong ibang patutunguhan kundi mapagbotohan kung ipapasa o hindi.

 

vuukle comment

AARANGKADA

AYON

CAPIZ CONG

FREDINIL CASTRO

HINALA

HOUSE MAJORITY LEADER NEPTALI GONZALES

HUNYO

KAMARA

SUFFRAGE AND ELECTORAL REFORM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with