Mag-asawa dedo sa nakamotor
Cristina Timbang (Pang-masa) - April 4, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang mag-asawa matapos na sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa isang gasolihan sa kanto ng Kawit-Noveleta Diversion Road, Brgy. Tabon 1, Kawit Cavite.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Juan at Juliet Espinola, kapwa 51-anyos at residente Brgy.Toclong, Kawit Cavite.

Hindi pa kilala ang dalawang lalaki na naka-helmet at sakay ng motorsiklo sa kanilang pagtakas.

Sa ulat, dakong alas-7:40 ng umaga ay  hinihintay ng mag-asawa ang kanilang anak na babae sa isang gasolinahan nang biglang dumating ang dalawang lalaki  na sakay ng isang itim na Yamaha Mio Amore at pagtapat sa mag-asawa ay walang kaabog-abog na pinagbabaril.

Itinakbo ang mag-asawa ng mga nakasaksi sa pangyayari sa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril.

BRGY ITINAKBO JULIET ESPINOLA KAPWA KAWIT CAVITE KAWIT-NOVELETA DIVERSION ROAD PATULOY TABON TOCLONG YAMAHA MIO AMORE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with