^

Police Metro

Depressed, walang makuhang trabaho kelot tumalon sa ikalawang palapag ng MRT

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bunsod ng sobrang depresyon, tumalon ang isang lalaki sa mula sa ikalawang palapag ng istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO1 John Sales ng Quezon City Police Station 10,  ang biktima ay nakilalang si Cristobal Delia, 26 anyos na ngayon ay ginagamot sa East Avenue Medical Center dahil sa matinding injuries na tinamo nito.

Nangyari ang insidente dakong alas 9 ng umaga sa MRT-GMA Kamuning. Napuna umano ng ilang saksi na  nagpanhik-panaog ang biktima sa hagdan ng MRT na tila balisa at problemado.

Sa ikalawang palapag ng MRT, partikular sa hagdanan ay patingin-tingin pa ito sa ibaba, at nang wala nang makitang nagdaraang tao ay saka biglang lumundag paibaba, at bumagsak sa outerlane ng Edsa.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na matagal ng  naghahanap ng trabaho ang biktima, pero hindi matanggap-tanggap hanggang sa manlumo na ito kaya nagplanong magpatiwakal na lang at tumalon sa MRT. Agad naman isinugod sa ospital ang biktima.

 

vuukle comment

AYON

BUNSOD

CRISTOBAL DELIA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDSA

JOHN SALES

KAMUNING

METRO RAIL TRANSIT

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with