^

Police Metro

Nagger pinatahimik ng mister

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marahil hindi na umano nakayanan ng isang mister ang pagiging nagger ng kanyang misis na lagi siyang tinatalakan sa paggising sa umaga kung kaya’t pinatay niya ito sa saksak naganap kahapon sa kanilang bahay sa Sitio Baybay, Barangay Andagao, Kalibo, Aklan.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital dahil sa dalawang saksak sa dibdib ay nakilalang si Amalia Pineda, 48-anyos.

Boluntaryo namang sumuko ang mister na si Aniceto Pineda, 58-anyos.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga ay mahimbing na natutulog ang  suspek sa kanilang kuwarto nang pumasok ang biktima at nagtatalak ito kung kaya’t nagising ang una.

Patuloy pa rin sa pagtatalak at panenermon ng misis na ikinainis ng suspek at nagpanting sa galit kaya’t kumuha ito ng patalim at sinaksak ng dalawang beses sa dibdib ang biktima.

 

AKLAN

AMALIA PINEDA

ANICETO PINEDA

BARANGAY ANDAGAO

BATAY

BOLUNTARYO

KALIBO

MARAHIL

PATULOY

SITIO BAYBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with