^

Police Metro

Collector ng STL, patay sa holdap

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 45-anyos na la­laki na collector ng STL lottery ang nasawi nang ito ay pagsasaksakin matapos na pumalag sa dalawang holdaper kamakalawa ng gabi sa Brgy. Mabato, Ma­ragondon, Cavite.

Ang nasawi ay kinila­lang si Alexander Angue, residente ng Brgy.Talis­pungo, Maragondon Ca­vite. Habang nakaligtas ang misis nito.

Tumakas naman ang dalawang suspek tangay ang perang hinoldap sa mag-asawa.

Batay sa ulat, ganap na alas-9:45 ng gabi ay sakay ang biktima ng itim na Kawasaki Fury 125 (6784 WI) angkas ang misis nito at binabagtas ang nasabing lugar dala ang bet money ng STL para mag-remit.

Habang bumabagtas ay bigla silang hinarang ng dalawang suspek at nagdeklara ng holdap at sapilitan na inagaw ang bag na dala ng biktima.

Subalit, ayaw ibigay ng biktima kung kaya’t pinagsasaksak ito upang matangay ang nasabing bag na naglalaman ng hindi pa mabatid na hala­ga ng kinita sa STL. Hindi naman sinaktan ang misis nito.

ALEXANDER ANGUE

BATAY

BRGY

CAVITE

HABANG

ISANG

KAWASAKI FURY

MABATO

MARAGONDON CA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with