^

Police Metro

2 lalaki, tinodas sa Pasay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinodas ang dalawang lalaki na magkasunod na naganap na karahasan sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Namatay dahil sa tama ng mga bala sa katawan ang 30-anyos na si Rodrigo Criman, alyas Nognog, ng  #2518 M. Dela Cruz Street habang matinding bugbog naman ang ikinasawi ni Armel Yubale,  ng  #153 KCO Santos Drive, Zapote, Las Piñas City.

Sa ulat ng Pasay City Police, nabatid na nagbabantay ng kanyang tindahan si Marlon Guttierez, 35-anyos, sa may  #2520 Magtibay Street dakong alas-2:15 ng madaling araw nang biglang pumasok si Criman at humihingi ng saklolo.

Dito biglang pumasok ang ilang armadong lalaki at pinagbabaril si Criman sanhi ng kamatayan nito habang tinamaan rin ng bala sa sikmura si Guttierez.  Mabilis na tumakas ang mga salarin habang isinugod sina Criman at Guttierez sa Pasay City General Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay ang una.

Nabatid sa rekord ng pulisya na sangkot sa iba’t ibang krimen sa lugar si Criman kaya pinaniniwalaang paghihiganti ang motibo ng pamamaslang sa biktima.

Nauna dito dakong ala-1:15 ng madaling araw, pinagtulungang gulpihin ng isang grupo ng lalaki si Yubale sa may Edsa Extension sa tapat ng Amigo’s Grill and Restaurant. 

Patuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng Pasay City Police sa dalawang krimen na naganap sa kabila ng ipinagmamalaking “police visibility”.

ARMEL YUBALE

CRIMAN

DELA CRUZ STREET

EDSA EXTENSION

GRILL AND RESTAURANT

GUTTIEREZ

LAS PI

MAGTIBAY STREET

MARLON GUTTIEREZ

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with