^

Police Metro

Pulis, nabagok patay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay na ng matagpuan sa loob ng kanyang opisina ang isang 49-anyos na miyembro ng Manila Police District-Traffic Bureau na tumanggi umanong magpadala sa ospital matapos mabagok ang kanyang ulo sa  Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Nagkaroon ng internal hemorrhage sa ulo na ikinasawi ng biktimang si  PO2 Leonardo Banda Jr., nakatalaga sa Complaint Action Team ng MPD- Traf­fic Bureau sa Port Area, Maynila.

Sa ulat  ni SPO3 Marco Saunar kay P/Supt. Reynaldo Nava, hepe ng MPD-Traffic Enforcement Unit, dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi nang maganap ang pagkabagok ng ulo ng biktima sa isang Trailer Truck sa  Anda Circle, sa bahagi ng  Petron Gas station sa Intramuros.

Ayon sa driver ng Trai­ler Truck na si Amado Mullet, 39, nakapila umano siya sa Petron Gas Sta­tion para magpakarga ng diesel nang makarinig siya ng kalabog sa likuran bahagi ng truck.

Nang tingnan nito ay kanyang nakita na naka­bagsak ang pulis sa tabi ng kanyang motorsiklo na may plakang 5757-QBG.

Agad naman umanong tinulungan ang pulis at dinala sa kanilang opisina sa Traffic Bureau at hindi na nagpadala pa sa ospital sa halip ay pinili na lamang magpahinga.

Kinabukasan, ganap na alas-10:00 ng umaga, nakita na lamang si PO2 Banda na wala ng buhay na hinihinalang may na­muong dugo sa  ulo nito.

vuukle comment

AMADO MULLET

ANDA CIRCLE

COMPLAINT ACTION TEAM

LEONARDO BANDA JR.

MANILA POLICE DISTRICT-TRAFFIC BUREAU

MARCO SAUNAR

MAYNILA

PETRON GAS

PETRON GAS STA

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with