^

Police Metro

Mayor, 2 bodyguard arestado sa mga baril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dinakip ng mga pulis ang mayor ng Agno, Pangasinan at dalawa nitong bodyguard kaugnay ng kasong illegal possession of firearms sa isinagawang raid sa bahay ng mga ito kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina  Agno, Pangasinan Mayor Jose Pajeta Jr, mga bodyguards nitong sina Ruperto Batalla, 43 at Wilson Nivera, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang salakayin ng mga elemento ng Regional Special Operation Task Group (RSOG) Pangasinan batay sa search warrant na inisyu ni Tayug Pangasinan Judge Emma Ines-Parajas ang bahay ng alkalde at dalawa nitong bodyguards.

Unang sinalakay ang bahay ni Mayor Pajeta sa Brgy. Poblacion East at dito ay  nakumpiska ang armalite rifle, 250 piraso ng bala ng M16, 18 piraso ng bala ng M14 rifle, sampung piraso ng mahabang magazine para sa M16 armalite rifle at limang piraso ng maikling magazine para sa M16 rifle.

Nakuha naman sa bahay ni Batalla ang  isang caliber 9mm  pistol, 22 piraso ng bala ng  9 mm pistol; tatlong piraso ng bala ng  caliber 45 pistol, 6 na piraso ng bala ng caliber 38 at isang magazine para sa cal 9 mm nakumpiska naman sa bahay ni Nivera ang isang cal 45 pistol, 14 piraso ng bala ng cal 30 , 12 piraso ng bala ng  12- gauges shotgun; 20 piraso ng bala ng  M16 rifle; 7 piraso ng  bala ng cal 38 caliber pistol; 2 piraso ng cal  45; 16 piraso ng bala ng  carbine; isang magazine para sa  M16 at 16 piraso ng bala ng cal 45 pistol.

Ang mga naaresto ay nakatakdang kasuhan ng illegal possession of firearms.

vuukle comment

AGNO

BALA

MAYOR PAJETA

PANGASINAN

PANGASINAN MAYOR JOSE PAJETA JR

PIRASO

POBLACION EAST

REGIONAL SPECIAL OPERATION TASK GROUP

RUPERTO BATALLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with