^

Police Metro

3 miyembro ng robbery/holdup gang tiklo sa checkpoint

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong lalaki na pinag­hihinalaang miyembro ng robbery/holdup gang ang nadakip ng mga otoridad sa isang checkpoint sa highway ng Sta Clara Sur, Pila, Laguna kamakalawa ng gabi.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Ricardo Caballes, Mario Lubi kapwa 44-anyos at Saturnino Balba, 42-anyos na nagpakilalang pulis.

Narekober sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng baril at mga bala.

Ayon kay Supt. Brion Kirby Kraft, Chief ng Provincial Intelligence Branch ng Laguna Police, na kasalukuyan pa nilang beneberipika kung lehitimong pulis si Balba na nagpakilala na miyembro ng Police Security and Protection Group (PSPG) na may ranggong PO2.

Batay sa ulat, bandang alas-8:15 ng gabi nang masakote ang mga suspek sa nasabing lugar kaugnay ng implementasyon ng gunban. 

Nabatid na ang mga suspek ay matagal ng isinasailalim sa surveillance operations kaugnay ng pagkakasangkot ng mga ito sa serye ng robbery /holdup sa ikatlo at ikaapat na distrito ng lalawigan.

Nabatid na ang mga suspek ay lulan ng kulay puting Toyota Innova (TVQ 302) nang maharang sa nasabing checkpoint at nasamsam sa pag-iingat ng mga ito ang dalawang cal. 45 pistol, isang granada, isang cal 38 revolver 12 bala at dalawang magazine ng cal 38 revolver, sampung pang bala ng iba pang uri ng armas.

Nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ang mga suspek.

vuukle comment

BRION KIRBY KRAFT

LAGUNA POLICE

MARIO LUBI

NABATID

POLICE SECURITY AND PROTECTION GROUP

PROVINCIAL INTELLIGENCE BRANCH

RICARDO CABALLES

SATURNINO BALBA

STA CLARA SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with