Thunder, Nuggets magtutuos sa ‘do-or-die’

OKLAHOMA CITY — Wala nang ibang magagawa ang Thunder kundi ang mag-move on sa kanilang kabiguan sa Denver Nuggets sa Game 6 ng Western Conference semifinal series.
Ang mahalaga ay ang pagbangon nila mula sa nasabing pagkatalo, ayon kay center Chet Holmgren.
“Obviously, this game means a lot, but you can’t go into the game thinking about that. You have to go into the game thinking about what matters for winning,” ani Holmgren.
Magtutuos ang Oklahoma City at ang Denver sa Game 7 para sa karapatang labanan ang Minnesota Timberwolves, sinibak ang Golden State Warriors sa semis, sa Western Conference finals.
Bigo ang Thunder na mailigpit ang Nuggets sa Game 6 matapos malasap ang 107-119 kabiguan.
Posibleng hindi maglaro si Denver veteran forward Aaron Gordon na nagkaroon ng left hamstring strain sa Game 6.
“If Aaron can play, he will play,” sabi ni Nuggets interim coach David Adelman kay Gordon na nagtala ng mga averages na 14.5 points at 9.2 rebounds sa semis.
Si Nuggets star Nikola Jokic ang muling sasandigan ni Adelman kontra sa Thunder sa kanyang mga averages na 36.5 points at 14.5 rebounds sa huling dalawang laro.
- Latest