^

PM Sports

Bolts lalapit sa korona

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Bolts lalapit sa korona
Blangka ang inabot ni SMB guard CJ Perez kay Meralco center Raymond Almazan sa Game 3 ng PBA Finals.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Tatangkain ng Meralco na mamuro na sa kampeo­nato kontra sa reigning champion na San Miguel Beer habang paparangalan din ang Best Player of the Conference sa krusyal na Game 4 ng 2024 PBA Philippine Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Hawak ang 2-1 bentahe, hindi na magpapaawat pa ang Bolts para makalapit ng isang hakbang mula sa asam nitong kauna-una­hang kampeonato simula nang pumasok sa PBA noong 2010.

Magkakaroon sila ng tsansa sa misyong ito sa alas-7:35 ng gabi pagkatapos ng saglit na awarding ceremony para sa BPC tampok ang Top 5 candidates.

Bakbakan dito ang lider na si June Mar Fajardo ng SMB matapos makalikom ng 43.12 statistical points (SPs) sa likod ng rehistrong 17.3 puntos, 14.5 rebounds at 3.1 assists.

Nasa likod lang niya si Robert Bolick ng NLEX sa bitbit na 43.08 SPs matapos kumamada ng league-best na 28.3 puntos sahog pa ang 5.2 rebounds at 6.5 assists.

Kandidato rin sina Stephen Holt ng Terrafirma, CJ Perez ng SMB at Christian Standhardinger.

Subalit mas inaa­ba­ngan ang gitgitan ng Bolts at Beermen.

Matapos malustay ang komportableng kalama­ngan sa dulo ng Game 2 upang isuko ang 94-95 kabiguan para sa napurnadang 2-0 abante, nakabalik ang Bolts sa Game 3, 93-89, upang masikwat ang manibela.

Bumida sa dikitang panalo sina Chris Newsome at Chris Banchero na sasandalan uli ni coach Luigi Trillo ngayon kasama sina Bong Quinto, Raymond Almazan, Cliff Hodge, Brandon Bates, Chris Banchero at Allein Maliksi.

Handa namang mag-abang ang Beermen na determinadong patunayan ang kanilang kalibre bilang reigning champion.

Babandera sa koponan ni coach Jorge Gallent ang 7-time PBA MVP na sina Fajardo, Commissioner’s Cup Best Player of the Conference Perez, Don Trollano, Chris Ross, Mo Tautuaa, Marcio Lassiter at Jericho Cruz.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with