^

PM Sports

Boss Lady paparada sa Hopeful Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naghayag ng paglahok ang Boss Lady sa magaganap na 2024 PHILRACOM “Hopeful Stakes Race” na ilalarga sa dara­ting na Linggo sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Rerendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, mapapalaban panigurado ang Boss Lady sa 10 mahuhusay na batang kabayo na nagsaad ng pagsali sa distansyang 1,800 meter race.

Posibleng magbigay ng magandang laban sa Boss Lady ay ang Feet Bell at Amor My Love na ga­ling sa impresibong panalo noong Linggo.

May nakalaan na P1M. guranteed prize na ikakalat sa unang anim na kaba­yong tatawid sa meta, ang ibang sasalang sa pista ay ang Beltuna, Boss Uno, Follow Da Ruler, Gameir Winner, Malibu Princess, Spolarium, Still Somehow at Wolfthreefivenine.

Susungkitin ng mana­na­long kabayo ang P600,000, mapupunta sa se­cond pla­cer ang P200,000 habang P100,000, P50,000, P30,000 at P20,000 ang third hanggang sixth place, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pakakawalan din sa nasabing petsa ang 2nd leg Triple Crown Stakes Race at 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race kaya tiyak na masaya ang paglilibang ng mga karerista.

Siyam ang nagsabi ng pagsali sa Triple Crown habang may 10 ang sasalang sa 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race.

Pakay ng Ghost na masungkit ang panalo sa se­cond leg upang magkaroon ng tsansa sa asam na Triple Crown sweep at maukit ang pangalan sa history ng karera.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with