^

PM Sports

Pinoy boxers kakasa sa Paris Olympics

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kakasa ang limang Pinoy boxers na masisilayan sa aksyon sa 2024 Paris Games.

Naniniwala ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na ito ang pinakamalakas na lineup na ipadadala ng Pilipinas sa Olympics.

Alam ng coaching staff na kaya ng tropa na mapantayan o malampasan ang dalawang pilak at isang tansong medalya na nakamit nito sa Tokyo Olympics.

“Itong five na nag-qua­lify, we feel has a very good chance to podium and to go all the way,” ani ABAP secretary general Marcus Jarwin Manalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Ipaparada ng Pilipinas sina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam, at bronze winner Eumir Marcial kasama sina Aira Villegas at Hergie Bacyadan.

“We’re very optimistic that this is really a strong five that we’re bringing (to the Paris Olympics),” ani Manalo.

Tiwala si Manalo na kayang-kaya nina two-time Olympians Petecio (57 kg), Paalam (57 kg) at Marcial (80 kg) at first timers Aira Villegas (50 kg) at Hergie Bacyadan (75 kg) na maibigay ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa boxing.

Hindi nagbigay ng prediksiyon ang ABAP subalit tiniyak nitong handang-handa ang Pinoy pugs sa labang haharapin nito.

“Alam kong hindi ganun kadali ngayon yung pag-dadaanan ko sa Paris especially iba siya sa Tok­yo. Kasi sa Tokyo wala siyang exposure halos, walang laro, walang multi-training na ginawa. Ngayon open na. So hindi basta-basta gaya ng iniisip ng iba,” ani Petecio.

Nakatakdang tumulak sa Metz, France ang bo­xing team sa Hunyo 22 para sumailalim sa isang buwan na pagsasanay doon.

Sasalang din ang tropa sa ensayo sa Germany sa Agosto 1.

“Hindi naman talaga basta-basta yung makakalaban namin dun. Kaya sa akin kailangan ko pang mapunan kung ano yung kakulangan ko para prepare ako pagdating sa Paris,” ani Bacyadan.

vuukle comment

BOXING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with