^

PM Sports

No. 2 spot kinuha ng Knicks sa East playoffs

Pang-masa
No. 2 spot kinuha ng Knicks sa East playoffs
Sinubukang harangan ni Bulls guard Javonte Green si Jalen Brunson ng Knicks.

NEW YORK — Bu­manat si Jalen Brunson ng 40 points para tulungan ang Knicks sa 120-119 overtime win sa Chicago Bulls at hablutin ang No. 2 seed sa Eastern Confe­rence playoffs.

Ito ang best season ng New York (50-32) na lalabanan sa first round playoffs ang mananalo sa play-in game ng Philadelphia 76ers (47-35) at Miami Heat (46-36).

Pinamunuan ni DeMar DeRozan ang Chicago (39-43) sa kanyang 30 points, ngunit naimintis ang isang short jumper sa huling 2.8 segundo sa overtime.

Tumapos ang Bulls sa No. 9 sa East at haharapin ang No. 10 Atlanta Hawks sa play-in tournament.

Sa Philadelphia, humataw si Tyrese Maxey ng 26 points sa 107-86 paggupo ng 76ers (47-35) sa Brooklyn Nets (32-50) papasok sa play-in tournament.

Sa Orlando, kumamada si Paolo Banchero ng 26 points sa 113-88 pagbugbog ng Magic (4735) sa Milwaukee Bucks (49-33) para makopo ang No. 5 spot sa East.

Sa Oklahoma City, umiskor si Shai Gilgeous-Alexander ng 15 points sa first half sa 135-86 panalo ng Thunder (57-25) sa Dallas Mavericks (50-32) para angkinin ang No. 1 seed sa Western Confrence.

Sa Memphis, umiskor si Jamal Murray ng 21 points sa 126-111 paggiba ng nagdedepensang Denver Nuggets (57-25) sa Grizzlies (27-55) para upuan ang No. 2 spot sa West playoffs.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with