^

PM Sports

Perdegana

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Umiinit ang alegasyon na may koponan na nagpe­perdegana, dumadayb o sadyang nagpapa­kulelat upang makuha ang top pick sa parating na PBA Rookie Draft.

Pero hindi na bago ito. Papatapos ang season, taun-taon nang naririnig ang term na “tanking.”

Pero walang puwedeng sisihin ang liga kung hindi sila rin, dahil sila ang nagtanggal ng “lottery” para sa No.1 draft selection.

Maganda ang lumang sistema kung saan ang dalawang kulelat na koponan ang kasali sa bunutan sa No. 1 at No. 2 draft rights. Dalawang bola ang sa kulelat at isang bola ang sa pangalawang kulelat. Sa harap ng mga fans bubunutin kung kanino mapupunta ang top draft selection.

Pero dahil nagkaroon noon ng agam-agam sa pagbunot sa kahon, minabuti ng PBA board na tanggalin ang lottery at ibase ang draft order sa order of finish ng mga koponan sa previous season.

Ito ang pinagmulan ng paulit-ulit na iringan ukol sa “tanking.”

Maski ako man ang team owner, halimbawa ay may padating na Michael Jordan, Kobe Bryant o LeBron James sa draft, ako eh magpeperdegana para sa top draft rights.

Kaya dapat lang na ibalik ang lottery.

Kung may duda sa proseso ng pagbunot, i-improve ang pagbunot.

Kung walang tiwala sa isa’t isa, mag-tap ng private group. O baka gusto n’yo pa ng representative mula DTI.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with