^

PM Sports

Squires umiskor sa Red Robins

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humataw si George Dia­mante ng 28 points para gabayan ang nagde­depensang Letran sa 86-69 paggiba sa Mapua sa NCAA Season 99 junior basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City

Ito ang ikatlong sunod na ratsada ng Squires para sa 3-1 baraha sa ilalim ng 4-1 marka ng Red Robins.

Nagdagdag si Jonathan Manalili ng 14 points at may 13, 11 at 10 mar­kers sina Syrex Silorio, Jo­vel Baliling at Alex Gaz­zingan, ayon sa pag­ka­kasunod.

Kinuha ng Letran ang 63-49 abante sa third pe­riod mula sa 35-36 halftime deficit sa Mapua pa­tungo sa panalo.

Samantala, tinakasan ng San Beda Red Cubs ang St. Benilde Junior Bla­zers, 64-62.

Itinaas ng Red Cubs ang kanilang kartada sa 3-2 at inihulog ang Junior Blazers sa 1-4.

Ang three-point play ni Drei Lorenzo kasunod ang dalawang free throws ni Hendric Vailoces ang nagpanalo sa San Beda.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with