^

PM Sports

May bagong hari ng PBA 3x3

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinilat ng Meralco ang reigning champion na Talk ‘N Text upang mapigilan ang ikalawang sunod na grand slam nito, 21-17, sa grand finals ng PBA Season 3 Third Conference sa Ayala Malls Glorietta.

Bumida para Bolts sina Joseph Sedurifa at JJ Manla­ngit na kumamada ng 8 at 7 points, ayon sa pagkakasunod habang may 5 points si Alfred Batino.

Nagkasya lang sa 1 point ang ace player na si Jeff Manday pero halos hindi ito ininda ng Meralco na nakaganti sa TNT matapos ang masaklap na 21-20 kabiguan sa finals ng second conference.

Ito ang unang grand finals championship ng Meralco sa gabay ni coach Patrick Fran matapos pagharian ng TNT ang First at Second Conference grand finals para sana sa posibleng grand slam sa ikalawang sunod na season.

Unang winalis ng TNT ang 3 conferences ng Season 2 para sa unang grand slam nito. Sila rin ang kampeon sa huling 6 na conferences simula pa Season 1 na pinaghatian nila ng Limitless App at Pioneer Pro Tibay.

Subalit luminya na ang mga bituin para sa Bolts na pumangatlo lang sa First Conference at runner-up sa Second Conference ng Season 3, ayon sa pagkakasunod, bago angkinin ang Third Conference kung saan din sila nanalo ng 3 leg championships.

Wagi ng P750,000 na grand prize ang Meralco habang P250,000 naman sa TNT at nagsubi ang Cavitex ng P100,000 para sa bronze.

vuukle comment

PBA 3X3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with