^

PM Sports

Bolick nahirang na PBAPC POW

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinopo ni Robert Bolick ng Northport ang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week matapos ang pambihirang performance sa 2022 PBA Philippine Cup.

Si Bolick ang ikalawang sunod na Batang Pier na hinirang na PBAPC Player of the Week kasunod ni Arvin Tolentino dahil sa mainit nilang simula hawak ang 2-1 kartada.

Bida sa week performance ni Bolick ang pag­liyab sa career-high na 44 puntos upang trangkuhan ang 101-95 comeback win ng Batang Pier kontra sa Meralco Bolts mula sa 20-point deficit.

Ang 44 ni Bolick ang pinakamataas sa lahat ng local players mula nang umiskor ng 45 si TNT Tropang Giga RR Pogoy sa 2020 Philippine Cup na ginanap sa Clark bubble.

Ito rin ang pangalawang pinakamataas na score sa kasaysayan ng Northport franchise kasunod ang 50 puntos ni Stanley Pringle noong 2018 Commis­sioner’s Cup.

“Lumaban lang talaga kami. Hindi kami nag-give up. Ang sarap sa feeling, “ ani Bolick. 

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with