^

PM Sports

Volleyball pa more

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

UAAP at NCAA volleyball, Philippine Volleyball League at ngayon ang Shakey’s Super League.

Nakakatuwang may nadagdag na namang volleyball league dito sa Pinas.

Actually, parang dating Shakey’s V-League lang ito pero binago.

Bongga ang pagbabalik ng Shakey’s Pizza sa volleyball scene dahil talaga namang sulit ang opening ng SSL dahil inabot ng madaling araw ang maaksyong apat na games noong Sabado sa Rizal Memorial Coliseum.

Buti na lang at cancelled ang mga games kahapon dahil sa bagyong Karding kung hindi ay sasabak na kulang sa tulog ang UST Golden Tigresses at Adamson Lady Falcons na madaling araw na natapos ang laro.

Kung bakit kasi sa dami ng teams, 18 participating collegiate teams, eh may magkasunod ang laro ng ilang teams.

Anyway,  happy naman ang mga fans kahit puyat dahil isang four-setter game at tatlong five-setter na exciting games ang kanilang napanood.

Biruin mo, mag-aalas-11 na ng gabi na naisa­lang ang UST-Adamson game na naka-schedule ng 6 p.m. at ala-una ng mada­ling araw na natapos.

Kung ganito nang ganito ang mangyayari, baka nga kailangang mag-adjust ng schedule para hindi puyat ang mga players.

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with