Gilas women’s team swak sa semis ng FIBA U16
MANILA, Philippines — Matikas na inilampaso ng Gilas women’s under 16 squad ang Samoa sa pamamagitan ng 94-65 demolisyon para masiguro ang tiket sa semifinals ng FIBA Women’s U16 Asian Championship Division B sa Prince Hamza Sporting Hall sa Amman, Jordan.
Tumipa si Kristan Yumul ng 22 points tampok ang limang three-pointers para pamunuan ang Gilas women’s squad sa panalo sa Samoa.
Nagdagdag si Naomi Panganiban ng 14 points, 7 rebounds, 5 assists at 3 steals.
Nagparamdam si Princess Villarin na nakagawa ng 13 markers at 7 boards, samantalang may tig-9 points sina Samantha Medina, Dianne Nolasco at Kailah Oani.
Nakumpleto ng Gilas women’s team ang 3-0 sweep sa Group A.
Haharapin ng mga Pinay cagers sa semis ang mananalo sa pagitan ng Syria at ang third seed team sa Group B.
Ang mangunguna sa Division B ay awtomatikong mapo-promote sa Division A.
- Latest