^

PM Sports

Air Force, Team Dasma sa semis

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumiretso sa semifinals ang Go For Gold-Air Force matapos hatawin ang 25-15, 28-26, 25-20 pa­nalo kontra sa Basilan Steel Spikers para walisin ang Pool A ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League men’s tournament kahapon dito sa Aquamarine Recreational Center Gym sa Lipa, Batangas.

Umiskor sina John Vic De Guzman at Mark Alfafara ng 17 at 13 points, ayon sa pagkakasunod, para banderahan ang 2-0 group sweep ng Aguilas matapos igupo ang VNS Manileño Spikers kamakalawa.

“Syempre, may pressure sa amin kasi halos lahat dito national team players pero sabi ko nga, lahat naman tayo dito nagsimula sa zero dahil sa pandemya hindi tulad dati na tuluy-tuloy ang ensayo,” ani Go For Gold coach Dante Alinsunurin.

Pinamunuan nina Esmail Kasim at Mohammad Jainor Sulayman ang Basilan sa kanilang tig-9 markers.

Samantala, pinadapa ng Team Dasma Monarchs ang MRT-Negros, 25-16, 22-25, 25-20, 25-23, para selyuhan ang isang puwesto sa semis sa Pool B.

Kagagaling lang sa five-setter win kontra sa Glo­bal Remit kamakalawa, ipinagpag ng Monarchs ang pagod at nanaig pa rin tungo sa 2-0 kartada sa likod ni Mark Frederick Calado.

Nagbuhos ng 13 markers ang FEU stalwart na si Calado mula sa 12 kills at 1 ace, habang may 13 at 10 points din sina Madzlan Gampong at Ronniel Rosales para sa koponan ni veteran mentor Norman Miguel.

Laglag naman ang Negros sa 1-1 kartada.

 

 

AIR FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user