FIBA Asia office apektado sa Lebanon
MANILA, Philippines — Nakiisa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa krisis na pinagdaraanan ng FIBA Asia ngayon matapos mapabilang ang headquarters nito sa Beirut, Lebanon sa malubhang naapektuhan ng pagsabog doon kamakalawa lamang.
“To all our friends from the FIBA office in Beirut led by FIBA Executive Director for Asia Hagop Khajirian, we are hoping you and your loved ones are all safe and the SBP will continue to be your ally through this,” ani SBP president Al Panlilio.
Naka-base sa Beirut ang FIBA Asia main headquarters kung saan din nag-oopisina si Khajirian.
Magugunitang kamakalawa ay nabulabog ang buong Beirut ng mala-king pagsabog sa kabisera bunsod ng tone-toneladang ammonium nitrate sa kanilang port area.
Kumitil ito ng lagpas 100 katao habang lagpas 5, 000 ang sugatan bukod pa ang daan-daang gusali na matinding nahambalos ng blast.
Sa kabutihang palad, ligtas ang mga opisyal at staff ng FIBA Asia at tanging ang headquarters lang ang naapektuhan.
Malapit si SBP president Panlilio sa FIBA Asia leadership lalo’t nagsisilbi itong Second Vice President ng FIBA Asia Central Board.
Nakisimpatiya rin ang SBP sa lahat ng namatay at nasugatan sa naturang pagsabog.
- Latest