^

PM Sports

Players, athletes pumatol sa challenge

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Players, athletes pumatol sa challenge

MANILA, Philippines — Nagkalat ngayon ang mga black and white photos sa Instagram  at maging sa Facebook na bahagi ng uso ngayong challenge.

Maging ang mga players at athletes ay hindi nakaligtas sa trend na nakadikit ang “Challenge Accepted” sa mga black and white photo at kailangan nilang mag-nominate pa ng iba para gawin din ito.

Karamihan ng mga nagpo-post ay mga babae dahil ang challenge ay isang awareness na ang lahat ng mga babae ay maganda at dapat suportahan ang kanilang mga kapwa babae.

Kabilang sa mga nakisali sa challenge na layuning magpalaganap ng positivity ay sina volleyball starts Mika Reyes, Alyssa Valdez, Jovelyn Gonzaga, Aby Maraño, Ponggay Gaston, Desiree Cheng, Sisi Rondina, Bernadeth Pons at iba pa. Hindi rin nagpahuli ang pambatong taekwondo jin  na si Pauline Lopez, ang karateka na si Jamie Lim, tennis star na si Tin Patrimonio, billiards stalwart Rubilen Amit at iba pang atleta.

May sariling challenge rin ang mga kalalakihan at nakisali sina RayRay Parks, taekwondo coach Japoy Lizardo, LA Tenorio at iba pa.

vuukle comment

CHALLENGE

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with